Pops, medyo madami dami nang okasyon ang di natin na
celebrate ng magkasama. Ilang birthdays, pasko, bagong taon at mga yearly get
together kasama yung mga taong malalapit satin na ba ang dumating at lumipas?
Never in a million years kong naisip na mawawala ka ng ganon kaaga. Looking
back, ang daming mga plano, daming mga lugar na gusto puntahan, daming mga
bagay na gusto pag-ipunan at gawin ng mag kasama. Pero yun, sabi nga
"God's plan is much better than what you have in mind". Nung una di
ko maintindihan, hirap na hirap ako, ang dami tumatakbo sa isip ko, lagi kong
tinatanong bakit, pero walang sagot. Nung una naisip ko ang hirap lumakad ng di
ko hawak kamay mo. Ang hirap bitawan yung mga bagay na kinasanayan mo ng gawin,
paano pa kaya kung ang bibitawan mo taong kasama mo na half of your life. Ikaw
yun eh. You were that bad habit I really find hard to break. Pero hindi pala
ganun yun, di ko pala dapat intindihin. Ang dapat ko lang pala gawin
pagkatiwalaan yung proseso. Dapat ko lang palang pagkatiwalaan yung daan na
binibigay ni Lord. It took me alot of tear stained pillows and sleepless
nights. It almost took me forever to figure it all out. Sabi ko nga you were a
bad habit I find hard to break and to let you go that instant was a hard pill
to swallow. I had to let you go slowly. Unti-unti, until the day na gumaan na
pakiramdam ko. Kumapit lang ako kay Lord. I trusted his process until I learned
to be happy, genuinely happy. I mean nalulungkot pa rin ako whenever I think of
you but I have come to accept the fact that I will be celebrating every
important occasions with you up there and me down here. Katulad ngayon, it's
our 11th year. Di ko pa rin maiwasan isipin what could've been if you were
still here. Siguro di ko na maalis yon but anyways, I hope you have the
grandest celebration up there kasi dito sa baba for sure simple lang. Di ka pa
namin madalaw kasi sobrang gulo pa. I love you pops. Miss na miss na kita.
Happy 11th wedding anniversary to us! Sabihin ko sana let's continue annoying
each other hahaha pero paano? Kaya ito na lang. Cheers!!! 🍻
Enjoy ka diyan eat all the pizza 🍕🍕you can. Mahal
kita.
No comments:
Post a Comment